Unang araw ng paglikha, binuo ng Diyos ang aso at sinabihan, "Umupo ka buong arawsa tabi ng pinto ng bahay mo at tahulan lahat ng pumapasok o dumadaan. Para diyan, bibigyan kita ng buhay na may haba na 20 taon." Sagot ng aso, " Mahabang panahon yan ng pagtahol. Bigyan nyo na lang ako ng 10 taon." Pumayag ang Diyos. Ikalawang araw hinubog ng Diyos ang matsing at inatasan, "maglambitin ka at patawanin ang mga tao. Para diyan, bibigyan kita ng 20 taon ng buhay." Sagot ng matsing: "20 taon? Mahaba yata 'yun para magpasaya lang sa iba. 10 taon lang okey na, isosoli ko ang sobrang 10 taon." Muli pumayag ang Diyos. Ikatlong araw ginawa ng Diyos ang baka, at inutosan "Kailangan tulungan mo ang magsasaka sa bukid, tiisin ang init ng buong araw, mag anak ng guya, at mag bigay ng gatas sa pamilya niya. Bibigyan kita ng buhay na 60 taon." Nakiusap ang baka: "Napakahaba naman ng buhay na yan ng paghihirap. Sana 20 taon na lang at isosoli ko ang 40." Pumayag ang Diyos. Ikaapat na araw nilikha ng Diyos ang tao. Tuwang- tuwa siya sa sarili, kaya pinayuhan ang tao, " Kumain, matulog, mag laro, mag asawa, magpakasarap sa buhay. Bibigyan kita ng 20 taong buhay." Umangal ang tao: "20 taon lang? Pwede ba ganito na lang, akin na ang 20 taon ko, tsaka ang isinoli ng baka na 40 taon, at ang isinoli ng matsing at aso na tig- 10 taon, kaya 80 taon lahat?." Dahil sa giliw ang Diyos sa tao, sinagot niya, "Kung yun ang nais, yun ang makakamit". At yan ang dahilan kung bakit, sa unang 20 taon ng ating buhay puro tayo kain tulog, laro at pagpapakasarap lang. Tapos, sa susunod na 40 taon, mala alipin tayo sa ilalim ng araw nagpapakain ng pamilya. Sunod ang 20 taon tayo nag aala matsing para patawanin ang mga apo. At sa huling 10 taon nakaupo na lang tayo sa veranda at tinatahulan ang mga dumadaan. (Base on Jarius Bondoc's column in PSN)
Friday, July 23, 2010
Kahulugan ng Buhay

Subscribe to:
Posts (Atom)